Arestado ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan na pinangungunahan ng mga tauhan ng Paracale Municipal Police Station, CNPPO Tracker Team 1st District at CNPIU ang isang lalaki na may kaso at nakatala bilang Rank 2 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Paracale dakong alas 4:10 ng hapon nitong Agosto 7, 2023 sa Purok 1, Brgy. Tugos, Paracale, Camarines Norte.
Kinilala ang akusado na si alyas “NEL”, 68 taong gulang, may asawa, isang driver at residente ng Purok Acacia, Brgy. Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte. Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” sa ilalim ng Criminal Case No.22562 at may piyansang nagkakahalaga ng Php120,000.00 at isa pang kaso para sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa ilalim ng Criminal Case Nr. 22563 na may kaakibat na piyansang Php 200,000.00. Ang naturang mga kaso ay ipinalabas ni Hon. Cornelio M Roll, Presiding Judge ng RTC Branch 38, Daet, Camarines Norte nito lamang Agosto 7, 2023.
Ang nasabing akusado ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Paracale MPS para sa kaukulang disposisyon.
“Ang inyong kapulisan ay patuloy na magsasagawa ng mga programa at mga proyekto para palakasin ang ugnayan nito sa komunidad upang maging susi sa isang matiwasay, tahimik at payapang pamayanan na ligtas sa anumang panganib”-PMAJ MANUEL.

Source: CNPPO PIO