Arestado ang isang 26-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsamang pwersa ng CIDG Camarines Norte PFU (lead unit), Basud MPS, CN 2nd PMFC and RIU5-PIT Cam Norte para sa paglabag ng RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” na nagresulta rin sa pagkarekober ng iligal na droga sa pamamagitan ng incidental to a lawful search bandang 12:10 ng umaga nitong Agosto 8, 2023 sa Purok Acacia, Brgy. Poblacion 2, Basud, Camarines Norte.
Ang suspek ay nakilalang si alyas IAN, 26 anyos, binata, isang tricycle driver at residente ng Purok-5, Brgy. Borabod, Daet, Camarines Norte. Nakuha sa nasabing operasyon ang mga sumusunod na ebidensya:
• Isang (1) kalibre 38 rebolber na may trademark Squires Bingham at serial number INP 1014628 na kargado ng isang bala (inside of black holster);
• Isang (1) piraso ng Limang Daang Piso na may Serial Number NY243863 (Marked Money) na may kasamang Anim (6) na piraso ng boodle money; at
• Dalawang (2) piraso ng maliliit na selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang umaabot sa dalawang (2) gramo na may katumbas na halagang Php 13,600.00.
Ang pagmarka, dokumentasyon at imbentaryo ng mga nakalap na ebidensya ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses.
Ang arestadong personahe kasama ng mga nakuhang ebidensya ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng CIDG Camarines Norte PFU para sa kaukulang disposisyon.
“Nais naming ipaalala lalo na ngaung papalapit na eleksyon, na mas paiigtingin ng inyong Pulis Bantayog ang implementasyon laban sa mga hindi rehistradong baril, kung saan ito ay maaring gamitin ng masasamang loob dito sa probinsya ng Camarines Norte. Lahat tayo ay magtulungan upang makamit ang payapa at maayos na pamayanan dito sa ating lalawigan.” – PCOL BILON.


Source: CNPPO PIO