Pormal nang tinanggap ng lokal na pamahalaan ng Daet ang mga kalahok sa 39th Boys and Girls Week katuwang ang Kiwanis Club of Daet.
Ang aktibidad ay naglalayon na magkaroon ng opurtunidad ang mga kabataang lider mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan ng Camarines Norte na maranasan ang pamamalakad nang iba’t ibang posisyon tulad ng pagiging Mayor, Vice Mayor, Municipal Councilors, Municipal Administrator, Executive Assistant to the Mayor, Municipal Information Officer, Minicipal Engineer at Local Economic Investment Promotion Officer.
Sa paraang ito ay mas nahuhubog ang mga kabataan at maibahagi ang kanilang kaalaman sa pagbibigay ng serbisyo publiko.




Source: Daet Municipal Information Office