Pagkakakulong ang kinahantungan ng isang lalaki matapos maaresto sa isinagawang search warrant operation against loose firearms ng mga operatiba ng CIDG-CN PFU (lead unit) sa pangunguna ni PLTCOL MEDERIC M VILLARETE, Provincial Chief, mga tauhan ng Daet MPS sa pamumuno ni PLTCOL BON BILLY D TIMUAT, COP, CN PSOT/SWAT, katuwang ang mga operatiba ng 2nd PMFC, at RIU5-PIT CN, nitong Agosto 14, 2023 dakong 3:15 ng umaga sa Purok 7, Brgy. Alawihao, Daet, Camarines Norte.
Ang suspek ay kinilalang si alyas “Dante”, 51 anyos, binata, caretaker at residente ng Purok 7, Brgy. Alawihao, Daet, Camarines Norte. Ang suspek ay naaresto sa bisa ng Search Warrant Number F-12-2023 para sa paglabag sa kasong RA 10591 na ipinalabas ni Hon. Judge Evan D. Dizon, Executive Judge, Regional Trial Court, Branch 40, Daet, Camarines Norte noong Agosto 10, 2023.
Inaresto ang nabanggit na suspek matapos na maisilbi ang nasabing search warrant at nakuha sa pagmamay-ari nito ang mga sumusunod na ebidensya:
a. Isang (1) yunit ng kalibre 9mm pistola na may tatak na “Parabellum” at may serial number na K 11802;
b. Labing dalawang (12) piraso ng live ammunition ng kalibre 9mm na nakalagay sa isang (1) maliit na pouch;
c. Walong (piraso ng live ammunition ng kalibre 9mm pistol (loaded sa isang (1) piraso ng steel magazine ng cal. 9mm pistol); at
d. Pitong (7) piraso ng live ammunition ng kalibre 45 pistol (loaded sa isang (1) piraso ng steel magazine ng kalibre 45 pistol).
Ang isinagawang operasyon, pag-imbentaryo at pagmarka sa mga nakuhang ebidensya ay nasaksihan ng opisyales ng nabanggit na barangay. Sa kasalukuyan, ang mga nakalap ng ebidensiya kabilang ang arestado ay nasa pangangalaga na ng Camarines Norte Provincial Forensic Unit (PFU) para sa pagsasagawa ng kaukulang dokumento at disposisyon.
Source: CNPPO PIO
