Arestado ang isang lalake sa ikinasang Manhunt Charlie Operation ng mga personahe ng Talisay Municipal Police Station na pinangunahan ni PSMS Antonio L Moral, Intelligence PNCO at may pangkalahatang superbisyon ni PMAJ CONRADO R DE VERA JR, COP ng Talisay MPS, kasama ang CN 1st PMFC sa Purok 2, Brgy. Calangcawan Norte, Vinzons, Camarines Norte nitong August 17, 2023 bandang ika 11:50 ng umaga. Ang suspek ay tinaguriang Rank # 4 sa Municipal Most Wanted Person ng Talisay MPS.
Kinilala ang naaresto na si alyas “Julius”, 19 taon gulang, binata, at residente ng Purok 2, Brgy. Calangcawan Norte, Vinzons, Camarines Norte. Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness (RPC Art. 336) sa ilalim ng kasong kriminal na may numerong 2976, na ipinalabas ni Hon. Michelle A Faurillo-Joven, Presiding Judge, Municipal Trial Court, Fifth Judicial Region, Talisay, Camarines Norte noong August 16, 2023 at may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Php 36,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang akusado ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Talisay MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO