Malapit nang magsimula ang Water system Project ni 2nd District Representative Rosemarie Conejos Panotes sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte. Ayon kay Vice Mayor Agnes subject for bidding na ang proyekto at pagkatapos nito ay matutuloy na rin ang konstroksyon nito.
Ang Water System Project ay para sa mga barangay, Guinacutan, Napilihan, Mangcayo at Singi sa bayan ng Vinzons kung saan ang tubig inumin ang isa sa mga problema ng mga residente. Kaya naman labis ang pasasalamat ng Bise Alkalde sa mabilisang pagtugon ni Congresswoman Rosemarie Conejos Panotes sa kanila request para sa kanilang kababayan.