LALAKING TULAK UMANO NG DROGA, NASAKOTE SA IKINASANG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG MERCEDES

LALAKING TULAK UMANO NG DROGA, NASAKOTE SA IKINASANG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG MERCEDES

Nitong Augusto 21, 2023, dakong 5:20 ng umaga ay nasakote ng mga MDEU personnel ng Mercedes MPS kasama ng mga tauhan ng CNPIU, at 1st CNPMFC ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV at sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ ROMEO BENITO APOLINAR B HUGO, Hepe ang isang lalaking tulak ng iligal na droga sa Purok 1B, Brgy 3, Mercedes, Camarines Norte.

Ang suspek ay kinilalang si alias “Bikyo,” 56 taong gulang, binata, isang mangingisda, at nakatira sa Purok 1-B, Brgy. 3, Mercedes, Camarines Norte. Nasamsam sa nasabing operasyon ang mga sumusunod na ebidensya:

a. Isang (1) piraso ng maliit na selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang “shabu” na may tinatayang timbang na mol 0.07 gramo at tinatayang street value na PhP476.00 (buy-bust drug);

b. Dalawang (2) piraso ng maliliit na selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang “shabu” na may tinatayang timbang na mol 0.14 gramo at tinatayang halaga ng kalye na PhP952.00; at

c. Isang (1) piraso ng limang daang piso na may serial no. DY635331 (buy-bust money).

 Ang pagmarka, dokumentasyon at pag-imbentaryo ng mga ebidensiya ay isinagawa sa presensya ng mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng mga opisyales ng barangay at media. 

Sa kasalukuyan ay nasa kostudiya na ng Mercedes MPS ang nabanggit na personahe habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa pagsampa ng naaangkop na reklamo laban dito.

 “Hangad po ng mga kapulisan ng Mercedes na mahadlangan ang pagkalat ng anumang uri ng krimen at iligal na droga dito sa bayan. Hangad rin namin ang ibayong pakikipagtulungan ng mamamayan upang tuluyang makamit natin ang katiwasayan at kapayapaan na ligtas sa anumang panganib at banta laban sa mga masasamang loob.”  PMAJ HUGO.

Source: CNPPO PIO