Binawian ng buhay ang isang lalaki na sangkot sa insidente ng banggaan bandang alas 5:20 ng hapon nitong Agosto 21, 2023 sa Maharlika Highway, Barangay Anahaw, Labo, Camarines Norte.
Ayon sa ulat, ang mga sangkot sa nasabing insidente ay isang itim na Honda Tricycle (na may numero ng plaka na AT5613) na minamaneho ni alyas “DONALD”, 41 anyos, may asawa, tricycle drayber at residente ng P-3, Barangay Mabilo II, Labo, Camarines Norte, at isang kulay gray na Suzuki Smash na motorsiklo na minamaneho ni Pedro Villagracia Jr. y Ferrer, 67 anyos, may asawa at residente ng Purok-2, Brgy. Borabod, Daet, Camarines Norte na nasawi sa nasabing insidente.
Base sa isinagawang imbestigasyon ng kapulisan ng Labo MPS, habang binabaybay ng tricycle ang kahabaan ng Maharlika Highway galing Brgy. Bautista at patungo sa Brgy. Mabilo 2, at ng makarating sa lugar ng insidente ay lumiko sa kaliwa ng may pag-iingat sa ibang sasakyan, ngunit bigla umanong bumangga ang motorsiklong minamaneho ni Ginoong Villagracia Jr mula sa kabilang direksyon, na naging dahilan upang magtamo ito ng malubhang pinsala sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan. Agad namang dinala ang nasabing drayber ng motorsiklo na si Ginoong Villagracia Jr ng mga tauhan ng MDRRMO Labo at ng kapulisan sa Camarines Norte sa Provincial Hospital dahil sa lubha ng pinsalang natamo nito at upang malapatan ng paunang lunas ngunit idineklarang Dead on Arrival ng nakatalagang doktor, habang ang drayber naman ng tricycle ay hindi nasaktan.
Sa kasalukuyan ay hindi pa matukoy ang halaga ng pinsala ng dalawang sasakyan, samantalang ang drayber ng tricycle naman ay nasa kustodiya ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.
“Muli namang nagpaalala si PMAJ HERCULANO P MAGO JR, hepe ng Labo MPS sa publiko lalo na sa mga gumagamit ng sasakyan na maging maingat sa pagmamaneho lalo’t sunod sunod narin ang insidente ng aksidente sa kalsada.”

Source: CNPPO PIO