Arestado ang suspek sa pagnanakaw ng isang selpon na naganap bandang alas 8:00 ng umaga nitong Agosto 22, 2023 sa establisyamento ng New One Department Store na matatagpuan sa Vinzons Ave. Barangay V, Daet, Camarines Norte.
Ang naarestong suspek ay nakilalang si Alyas “RIO,” 19 anyos, saleslady, at residente ng Barangay Sauyo, Novaliches, Quezon City, samantalang ang biktima naman ay nakilala bilang si Alyas “NENA,” 40 anyos, may-asawa, saleslady at residente ng Purok 4, Barangay Calangcawan Norte, Vinzons, Camarines Norte.
Base sa isinagawang imbestigasyon ang suspek at biktima ay parehong nagtatrabaho sa nasabing establisyamento na kung saan naganap ang pagnanakaw at pagkuha ng suspek sa isang (1) unit ng selpon na Vivo Y36 na pagmamay-ari ng biktima. Ang insidente ay nakunan ng video sa CCTV ng nasabing establisyamento kaya agad na hinanap ng biktima ang suspek na bigla nalang umalis, sa kabutihang palad ay nahanap ng biktima ang suspek na dala dala ang kanyang selpon at siya na mismo ang nagdala nito sa himpilan ng Daet MPS. Sa kasalukuyan, ang nasabing suspek ay nasa himpilan ng Daet MPS para sa tamang disposisyon.
“Muling pinapaalalahanan ang mamamayan na maging alerto at makipagtulungan sa kapulisan ng bayan ng Daet. Maaari po kayong lumapit at magpaabot ng inyong mga impormasyon ng personal sa aming mga tauhan at himpilan o sa pamamagitan ng text sa aming hotline number 09985985954 at chat sa aming Facebook Page, Daet MPS CNPPO” at nangangakong magiging confidential ang inyong pagkakakilanlan sa anumang ipaaabot sa amin“- PLTCOL BON BILLY D TIMUAT.
Source: CNPPO PIO