4 NA KATAO TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION SAISANG DRUG DEN SA BAYAN NG PARACALE, 81,600 NA HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, NAKUMPISKA

4 NA KATAO TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION SAISANG DRUG DEN SA BAYAN NG PARACALE, 81,600 NA HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, NAKUMPISKA

 Alas 4:42 ng hapon nitong Agosto 29, 2023 nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Paracale MPS, PDEA Camarines Norte Provincial Office, CNPPO-PPDEU at CN RPDEU5 sa Purok Yakal-B, Poblacion Norte, Paracale, Cam Norte, kung saan naaresto ang apat (4) na katao matapos makabili ang umaktong poseur buyer ng grupo mula sa dalawang bisita ng drug den ng Isang (1) piraso ng plastik na pakete ng hinihinalang shabu.

 Ang mga suspek ay sina alyas ”JEN” (Subject ng buy-bust at Drug Den Maintainer); alyas “DONNA” (Visitor of Drug Den), alyas “PIPAY” (Visitor of Drug Den), at si alyas “DAN” (Visitor of Drug Den), pawang mga residente ng Purok Yakal B, Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte. Nasamsam rin sa mga ito  ang mga sumusunod na ebidensya: Siyam (9) na piraso ng plastik na pakete ng hinihinalang shabu; ilang piraso ng ginamit na aluminum foil; Apat (4) na piraso ng disposable lighter; at Isang (1) piraso ng Limang daang piso (Php 500) na may kasamang anim na (6) pirasong replica.

 Ang mga suspek at mga nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Paracale MPS.

Source: CNPPO PIO