RANK NUMBER 1 MUNICIPAL MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG TALISAY, ARESTADO

RANK NUMBER 1 MUNICIPAL MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG TALISAY, ARESTADO

Arestado ang isang lalake na may kaso at nakatala bilang Rank 1 Municipal Most Wanted Person sa ikinasang manhunt Charlie operation ng mga kapulisan ng Talisay MPS at Provincial Tracker Team 1st PMFC sa Purok 4, Brgy. Mangcayo, Vinzons, Camarines Norte nitong Setyembre 1, 2023 bandang ika 4:45 ng hapon.

Kinilala ang naaresto na si alyas “Mac”, 30 taon gulang at residente ng Purok 2, Brgy. Binanuaan, Talisay, Camarines Norte. Si alyas “Mac” ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape Through Sexual Assault in Relation to R.A 7610 sa ilalim ng kasong kriminal na may numerong 22733 na inilabas ng Regional Trial Court, Family Court, Fifth Judicial Region Branch 5, Daet, Camarines Norte noong Agusto 17, 2023 at may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Php 200,000.00.

 Ang akusado ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Talisay MPS para sa kaukulang disposisyon.