ISA, SUGATAN SA PANANAKSAK SA BAYAN NG MERCEDES, CAMARINES NORTE

ISA, SUGATAN SA PANANAKSAK SA BAYAN NG MERCEDES, CAMARINES NORTE

Sugatan ang isang lalaki matapos masaksak sa P-1, Brgy II, Mercedes, Camarines Norte bandang alas 2:30 ng hapon nitong Setyembre 3, 2023.

Kinilala ang biktima na si alias “HENRY”, 62 taong gulang, at residente ng Brgy. Quinapaguian, Mercedes, Camarines Norte. Samantala ang suspek ay nakilalang si alias “JOM”, 32 taong gulang at residente ng Purok-1 Brgy II, Mercedes, Camarines Norte.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, habang nag-iinuman ang biktima kasama ang nakababatang kapatid nito att kaibigan ay biglang dumating ang suspek at humingi ng inuming alak. Sa hindi malamang dahilan ay biglang kinompronta at hinarap ng suspek ang nakababatang kapatid ng biktima na si alias PETER at  bumunot ito ng kutsilyo sa kanyang baywang na naging dahilan at nag-udyok naman kay PETER upang suntukin ang suspek sa kanyang panga na nagresulta sa pagkatumba nito.

Nagawang tumayo ng suspek at agad na sinaksak si Henry na nakatayo sa kanyang harapan sa mga oras na iyon at tinamaan  ang biktima sa kanyang kaliwang braso na umabot sa kaliwang dibdib.

Agad namang isinugod ang biktima sa Camarines Norte Provincial Hospital, Daet, Camarines Norte para sa atensyong medikal.

Samantala, agad na tumakas ang suspek matapos ang pananaksak ngunit naaresto ito ng mga tumugis na barangay tanod ng nabanggit na barangay at itinurn-over sa Mercedes MPS.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Mercedes MPS ang nabanggit na personahe para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO