Patuloy ng isinasagawa ng DPWH 2nd District ang mangcamagong Boulevard sa bgy Mangcamagong sa bayan ng Basud Camarines Norte. Ayon kay Congresswoman Rosmarie Conejos Panotes na ang proyektong ito ay sinumulan ng kangyang Ina at nararapat lang na itoy kanyang ipagpatuloy dahil malaki ang maitutulong nito sa pag-akit pa ng mga turista sa naturang lugar. Ang Mangcagong Boulevard ay tatagos hanggang sa bahagi ng bgy matoog toog sa bayan naman ng Mercedes Camarines Norte,Sa kabilang dako naman ay tatagos sa Brgy Taba-Taba Basud hanggang sa Brgy. Cayucyucan at Vatandunganon sa bayan pa rin ng Mercedes Camarines Norte.