San Vicente, Sta. Elena – Sisimulan na ang proyektong 𝘊𝘰𝘯𝘴𝘵𝘳𝘶𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘚𝘰𝘭𝘢𝘳 𝘞𝘢𝘵𝘦𝘳 𝘚𝘺𝘴𝘵𝘦𝘮 mula sa inilaang pondo ni Congw. Josie Baning Tallado na P10 milyon para sa Barangay San Vicente, Sta. Elena matapos magkaroon ng Groundbreaking Ceremony. Ang hakbang na ito ay upang tugunan ang suliraning kakulangan ng tubig sa komunidad.
Sa tulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH), tiyak na magiging maayos at epektibo ang pagpapatupad ng proyektong ito. Ang Solar Water System ay magiging malaking tulong sa naturang barangay lalo na sa pagkakaroon ng sapat at malinis na supply ng tubig.
Ang proyektong Solar Water System ay naglalayong magbigay ng matatag at malinis na suplay ng tubig sa pamamagitan ng paggamit ng enerhiya mula sa araw, gagamitin ng sistemang pinakabagong teknolohiya upang mai-pump, malinis, at maipamahagi ang tubig nang epektibo. Ang pagpapatupad ng proyektong ito ay inaasahang magdudulot ng solusyon sa matagal nang problema sa suplay ng tubig sa komunidad.
Ang alokasyon ng pondo para sa mahalagang proyektong ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng #AlagangNayJosie sa pagpapabuti ng kalagayan ng kanyang mga nasasakupan.






Source: Rep. Josie Baning Tallado- Camarines Norte