Nitong Setyembre 12, 2023 dakong 12:40 ng madaling araw nang maaresto sa ikinasang drug buy-bust operation na isinagawa ng kapulisan ng Basud MPS katuwang ang ODRDO-RPDEU5 at PPDEU-Cam Norte ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV, ang isang traysikel drayber sa bahagi ng Purok-3, Brgy. Matnog, Basud, Camarines Norte.
Ang suspek ay kinilalang si Alias “Ronie,” 37 anyos, binata, traysikel drayber at residente ng 105 Ilang-ilang St., Encabo Apartment, Bacoor, Cavite City. Samantala, nakumpiska naman sa nasabing operasyon ang tinatayang 30 gramo ng iligal na droga na may kabuuang halaga na Php204,000.00.
Ang naarestong personahe at nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Basud MPS para sa kaukulang disposisyon.


Source: CNPPO PIO