BABAENG DATING MIYEMBRO NG COMMUNIST TERRORIST GROUP (CTG), KUSANG LOOB NA SUMUKO SA KAPULISAN

BABAENG DATING MIYEMBRO NG COMMUNIST TERRORIST GROUP (CTG), KUSANG LOOB NA SUMUKO SA KAPULISAN

 Nito lamang Setyembre 12, 2023 dakong alas 4:00 ng hapon, isang babaeng dating kasapi ng Armando Catapia Command bilang liasonat spokesperson ng naturang grupo ang boluntaryong sumuko sa mga otoridad.

Ang nasabing personahe ay kinilalang si alias RINA,  at residente sa bayan ng Paracale, Camarines Norte.

Ayon sa ulat, boluntaryong sumuko ang nabanggit na personahe dahil sa pinaigting na pagsisikap ng CN 1ST PMFC kasama ang CNPIU, at NICA5 sa kanilang isinasagawang mga programa at kampanya kontra terorismo kaya nahimok itong sumuko.

  Nagpasyang tanggapin ni RINA ang mga programang nakapaloob sa mga kampanya at programa ng gobyerno sa pamamagitan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC at Enhanced-Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP para sa kanyang kapakanan at ng kanyang pamilya. Isa rin itong hakbang tungo sa pagkamit ng kapayapaan at pag-unlad sa kanyang sariling buhay at ng komunidad. Hangad rin nito na mamuhay nang payapa at ligtas, na hindi na nababalot ng takot at karahasan.

Source: CNPPO PIO