MUNICIPAL MOST WANTED PERSON (MMWP) RANK #1 SA BAYAN NG BASUD, SAKOTE

MUNICIPAL MOST WANTED PERSON (MMWP) RANK #1 SA BAYAN NG BASUD, SAKOTE

Dakong 6:20 ng gabi nito lamang Setyembre 13, 2023 nang maaresto sa ikinasang Manhunt Charlie Operation na isinagawa ng mga kapulisan ng Basud MPS ang isang lalaking nakatala bilang Rank#1 Municipal Most Wanted Person ng bayan ng  Basud para sa buwan ng Setyembre.

Kinilala ang suspek na si alias “Mike,” 37 anyos, binata, isang welder at residente ng Purok-2, Brgy. Matnog, Basud, Camarines Norte. Naaresto ang nasabing akusado sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Rene Morallo Dela Cruz of RTC Branch 5, Daet, Camarines Norte ng petsang Setyembre 12, 2023 at walang kaakibat na pyansa, para sa kinakaharap nitong walong kaso ng Rape in relation to RA 7610 sa ilalim ng Criminal Cases No. 32763, 32764, 32765, 32766, 32767, 32768, 32769 and 32770.

Sa kasalukuyan ay nasa kostudiya na ng Basud MPS ang naarestong personahe para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO