BLESSING AND TURNN OVER CEREMONY NG MULTI PURPOSE BUILDING (COVERED COURT) NG JOSE PANGANIBAN ELEMENTARY SCHOOL

BLESSING AND TURNN OVER CEREMONY NG MULTI PURPOSE BUILDING (COVERED COURT) NG JOSE PANGANIBAN ELEMENTARY SCHOOL

Sa pangunguna ni Congw. Josie Baning Tallado, naganap ang isang makasaysayang okasyon para sa Jose Panganiban Elementary School. Isinagawa ang Blessing and Turn Over Ceremony ng pinakabagong proyekto, ang Multi Purpose Building (Covered Court), na nagkakahalaga ng P5,000,000 milyon.

Ang naturang programa ay dinaluhan ng mga Konsehal ng Bayan, Punong Barangay, mga guro, at mga estudyante, na naging buhay na saksi sa matagumpay na paglulunsad ng proyekto. Ito ay isang malaking hakbang tungo sa pagpapalakas ng imprastraktura ng paaralan, na magbibigay ng mas mahusay na mga pasilidad para sa mga mag-aaral.

Ang Multi Purpose Building (Covered Court) ay maglalaan ng isang espasyo na maaaring gamitin para sa iba’t ibang aktibidad tulad ng mga klase, palaro, at mga programa ng paaralan. Ito ay isang malaking tulong upang mapalawak ang mga oportunidad para sa mga estudyante at iba pang miyembro ng komunidad.

Lubos ang pasasalamat ng Jose Panganiban Elementary School sa suporta at liderato ni Congw. Josie Baning Tallado sa pagsasakatuparan ng proyektong ito. Ito ay patunay ng kanyang dedikasyon sa pagpapabuti ng edukasyon at buhay ng mga kabataan.

Ang Multi Purpose Building (Covered Court) ay isang simbolo ng pagkakaisa at pagkakataong magpatuloy sa pag-abot ng mga pangarap at ambisyon.

Source: Rep. Josie Baning Tallado- Camarines Norte