SIMULTANEOUS UNITY WALK, INTERFAITH PRAYER RALLY AT PEACE COVENANT SIGNING PARA SA BSKE 2023, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA NG LABINDALAWANG ISTASYON NG CNPPO

SIMULTANEOUS UNITY WALK, INTERFAITH PRAYER RALLY AT PEACE COVENANT SIGNING PARA SA BSKE 2023, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA NG LABINDALAWANG ISTASYON NG CNPPO

Matagumpay na naisagawa ng Camarines Norte Police Provincial Office sa pangunguna ni PCOL JOSELITO E VILLAROSA JR, Provincial Director ng CNPPO, kaisa ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, ang sabay-sabay na paglunsad ng Unity Walk, Interfaith Prayer Rally at Peace Covenant Signing para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023 ng labindalawang Municipal Police Station sa lalawigan.

Ang bayan ng Labo ang naging sentro ng paglulunsad ng nasabing aktibidad na dinaluhan ni PCOL VILLAROSA JR kasama ang mga pinuno ng mga ahensyang itinalaga ng COMELEC at mga kandidato mula sa nasabing bayan. Sinimulan ito ng isang Unity Walk bandang alas 8:00 ng umaga mula sa sentro ng bayan ng Labo patungong Labo Sports Complex para naman sa maikling programa ng Prayer Rally at Peace covenant signing.

Nagsimula ang pormal na programa sa ceremonial candle lighting at  interfaith prayer na pinangunahan ni Imam Abdul Manan para sa ating mga kapatid na muslim, pinamunuan naman ni Pastor Fernando Bilaos ang panalangin para sa ating mga Kristiyano at ni Rev. Fr. Luis R. Ibasco para sa mga kapatid nating Katoliko. Ito ay sinundan ng pambungad na pananalita ni PMAJ HERCULANO P MAGO, OIC ng Labo MPS. Nagbigay naman ng mensahe sina BGEN WILLIAM P PEŇAFIEL, Brigade Commander ng 902nd IB, 9ID ng Philippine Army, HON. SEVERINO H. FRANCISCO, Alkalde ng Labo, PCOL JOSELITO E VILLAROSA JR, PD CNPPO, MS. MELODY RELUCIO ng DILG Camarines Norte at panghuling mensahe mula sa representative ng COMELEC Camarines Norte na si MR. VIRGILIO G. VERAS, Municipal Election Officer ng Labo, Camarines Norte.

Isa sa naging highlight ng programa ang pagpapalipad ng mga puting kalapati habang inaawit ang kantang Pilipinas kong Mahal kung saan ito sumisimbolo ng pag-asa, katapatan, kadalisayan at pagmamahal. Sinundan ito ng panunumpa at paglagda ng Pledge of Commitment na pinangunahan ni PCOL JOSELITO E VILLAROSA JR kung saan ito ay nilagdaan ng mga pinuno at kinatawan ng PHILIPPINE ARMY, PNP, BFP, BJMP, PHILIPPINE COAST GUARD, COMELEC, DEPED at mga religious sectors.

Nagtapos ang nasabing aktibidad sa panunumpa ng Integrity Pledge na pinangunahan ni Mr. Virgilio G. Veraskung saan ito ay nilahukan ng mga political candidates mula sa nasabing bayan kasunod ng paglalagda sa nasabing panunumpa upang masiguro ang tahimik at mapayapang Barangay at Sangguniang Kabataan Election ngayong taong 2023.

Source: CNPPO PIO