BANGGAAN NG SASAKYAN SA BAYAN NG BASUD, ISANG LALAKI NASAWI

BANGGAAN NG SASAKYAN SA BAYAN NG BASUD, ISANG LALAKI NASAWI

Kritikal at hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang binatilyo matapos na aksidenteng mabanggaan ng isang sasakyan ang minamaneho nitong motorsiklo habang binabagtas ang kahabaan ng Maharlika Highway, Purok 1, Brgy Langa, Basud, Camarines Norte, ganap na alas 10:00 ng umaga nitong Setyembre 22, 2023.

Sangkot sa nasabing insidente ng banggaan ay isang utility vehicle na minamaneho ni alyas “NOY,” 40 anyos, may asawa at residente ng Purok 5, Barangay Colasi, Mercedes, Camarines Norte, at isang motorsiklo na may plakang 647 ENF na minamaneho ni Jeffrey Monge y Saluya, binata at residente ng Purok 6, Barangay San Felipe, Basud, Camarines Norte.

Sa imbestigasyon na isinagawa, isang testigo ang nakasaksi sa pangyayari na kung saan habang binabagtas ng utility vehicle ang nasabing highway at nang makarating sa lugar ng insidente ay dumulas ito sa kalsada at lumagpas sa kabilang linya kung saan nabangga nito ang motosiklo na  mula sa kabilang direksyon. Agad ring isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital ang drayber ng motorsiklo ngunit idineklara itong dead on arrival ng nakatalagang doktor habang ang drayber naman ng utility vehicle ay ligtas sa pinsala.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Basud MPS ang drayber ng utility vehicle para sa kaukulang disposiyon habang patuloy ang pagiimbestiga sa nasabing insidente.

Source: CNPPO PIO