P19,000,000 milyon ang inilaang pondo ni Congresswoman Josie Baning Tallado katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang patunay sa patuloy na pag-unlad ng Roman V. Heraldo Elementary School, Barangay Sta. Rosa Sur, sakop ng bayan ng Jose Panganiban.
Ang Groundbreaking Ceremony na ito ay para sa itatayong bagong gusali na may sukat na 9.50 x 23 metro at dalawang palapag na may apat na silid-aralan ay magbibigay ng modernong pasilidad sa mga mag-aaral.
Ang matagumpay na seremonyang ito ay buong pusong pinasalamatan ni Principal I Rhocil C. Reyes kasama ang kanyang mga guro at kawani sa inisyatibong ipinakita ni Congw. Tallado. Ang malaking suportang ito ay magiging malaking tulong upang mapaunlad ang kapaligiran ng pag-aaral at magbigay ng mas magandang karanasan sa edukasyon para sa kanilang mga mag-aaral.
Isang patunay na ang edukasyon ang isa sa prayoridad ni Congw. Tallado at ang proyektong ito ay maging paraan pa lalo sa Roman V. Heraldo ES sa paghulma ng isang modernong tahanan ng kaalaman kung saan ang mga mag-aaral ay maaaring lumago at umunlad!



Source: Rep. Josie Baning Tallado- Camarines Norte