Nitong Setyembre 28, 2023 dakong 10:20 ng gabi, nang maaresto sa ikinasang anti-illegal drugs buy-bust operation na isinagawa ng kapulisan ng Daet MPS katuwang ang PDEU, PIU at CN1st PMFC ayon sa koordinasyon sa PDEA-ROV ang isang technician sa bahagi ng Purok 6, Barangay Magang, Daet, Camarines Norte.
Ang suspek ay kinilalang si alias “VIC”, 48 anyos, may asawa, technician at residente ng Purok 9, Barangay 4, Daet, Camarines Norte. Nakumpiska sa nasabing operasyon ang tinatayang 12 gramo ng iligal na droga na may kabuuang halaga na Php75,000.00.
Ang naarestong personahe kabilang ang mga nasamsam na ebidensya ay nasa kostudiya ng Daet MPS para kaukulang pagsasampa ng kaso.

Source: CNPPO PIO