Nitong Setyembre 29, 2023 dakong alas 9:30 ng gabi, nang maaresto sa ikinasang anti-illegal drugs buy-bust operation na isinagawa ng kapulisan ng Labo MPS katuwang ang CNPDEU at CNPIU ayon sa koordinasyon sa PDEA-ROV ang dalawang lalaking mula sa lalawigan ng Laguna sa may bahagi ng Purok 5, Barangay Malasugui, Labo, Camarines Norte.
Ang suspek ay kinilalang sina alias “Tony,” 44 anyos, binata, at residente ng Barangay San Jose, Calamba City, Laguna at si alias “Ricky”, 41 anyos, may asawa at residente ng Brgy Canlubang, Calamba City, Laguna. Nakumpiska sa nasabing operasyon ang tinatayang 54.1 gramo ng hinihinalang iligal na droga na may kabuuang halaga na Php374,000.00 at isang yunit na kotseng Toyota Vios.
Ang naarestong personahe kabilang ang mga nasamsam na ebidensya ay nasa kostudiya ng Labo MPS para kaukulang pagsasampa ng kaso.


Source: CNPPO PIO