Nakatanggap ang Basud MPS nang impormasyon sa isang concerned citizen tungkol sa diumanong “pot session” sa loob ng isang pampublikong paaralan sa bayan Basud, Camarines Norte. Agarang tumugon ang kapulisan ng Basud MPS at nagtungo sa nabanggit na lugar upang beripikahin and impormasyon at tumambad sa mga nasabing otoridad ang nangyayari na “pot session” ng iligal na droga, kung kaya’t agad inaresto at kalaboso ang 2-kataong sangkot dakong 8:50 ng gabi nitong Oktubre 6, 2023.
Ang mga naarestong suspek ay nakilalang sina alias “LITO,” 52 anyos, may-asawa, school watchman at alias “DEN,” 50 anyos, may-asawa, driver, parehong mga residente sa Purok-2, Barangay Poblacion 1, Basud, Camarines Norte. Habang nakumpiska sa nasabing “pot session” ang mga ebidensya na isang pirasong aluminum foil na hinihinalang may “Shabu” residue, tatlong pirasong aluminum foil (tooter) na hinihinalang may “Shabu” residue, dalawang piraso ng lighter na kulay blue at orange na nagsilbing improvised burner at isang piraso ng inner tube ng ballpen (gamit sa pag-roll ng tooter).
Ang mga nabanggit na personahe kabilang ang mga nasamsam na ebidensya ay nasa kostudiya na ng Basud MPS para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kaso.



Source: CNPPO PIO