LALAKI, SAKOTE SA ISINAGAWANG BUY-BUST OPERATION KONTRA ILIGA NA DROGA

LALAKI, SAKOTE SA ISINAGAWANG BUY-BUST OPERATION KONTRA ILIGA NA DROGA

Nito lamang ika-12:40 ng umaga, Oktubre 9, 2023, isang lalaking tulak umano ng iligal na droga ang nasakote sa ikinasang buy-bust operation kontra iligal na droga ng kapulisan ng Daet MPS, katuwang ang mga tauhan ng PPDEU, PIU at CN 1st PMFC sa kaukulang koordinasyon sa PDEA ROV na isinagawa sa bahagi ng Purok 2, Barangay Mancruz, Daet, Camarines Norte.

Ang suspek ay kinilalang si Alyas “DEX,” 32 taong gulang, binata, isang electrician at residente ng Purok-9, Barangay 4, Daet, Camarines Norte. Samantalang, nakumpiska naman sa nasabing operasyon ang tinatayang 3 gramo ng iligal na droga na may kabuuang halaga na Php15,000.00.

Ang nabanggit na personahe at nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Daet MPS para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Source: CNPPO PIO