3-KATAO SUGATAN SA AKSIDENTE SA BAYAN NG PARACALE

3-KATAO SUGATAN SA AKSIDENTE SA BAYAN NG PARACALE

Dakong alas 9:15 ng umaga nitong Oktubre 10, 2023 ng aksidenteng mabagsakan ng isang puno ang isang pick-up na sasakyan sa P-3, Barangay Capacuan, Paracale, Camarines Norte.

Ayon sa imbestigasyon na isinagawa ng kapulisan ng Paracale MPS, habang binabagtas ang daan patungong Paracale, Camarines Norte magmulang Jose Panganiban, Camarines Norte ng isang kulay itim na Ford Ranger pick-up na may plate number NUO 400, lulan ang tatlong katao na sina Isidro Gogolin, 66 taong gulang, Aralisa Gogolin, 45 taong gulang at Arnel Besinio y  Samar, 46 taong gulang na pawang mga residente ng North Poblacion, Jose Panganiban, Camarines Norte ng biglang mabagsakan ang nasabing sasakyan ng isang punong Akasya. Nagtamo ng mga pinsala at sugat ang mga biktima, habang nagtamo naman ng hindi pa matukoy na halaga ng pinsala ang nasabing sasakyan.

Agaran namang dinala ng mga rumespondeng MDRRMO-Paracale sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima at patuloy naman ang masusing imbestigasyon na sinasagawa ng kapulisan ng Paracale MPS kaugnay ng insidente.

Source: CNPPO PIO