Nito lamang ika-8:50 ng gabi, Oktubre 16, 2023, isang lalaking tulak umano ng iligal na droga ang natimbog sa ikinasang buy-bust operation kontra iligal na droga ng kapulisan ng Paracale MPS (nangunang yunit) katuwang ang mga tauhan ng PDEU, at CNPIU sa kaukulang koordinasyon sa PDEA ROV na isinagawa sa bahagi ng Purok 7A, Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte.
Ang suspek ay kinilalang si alyas “MJ”, 33 taong gulang, binata, isang construction worker at residente ng Brgy. Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte. Samantalang, nakumpiska naman sa nasabing operasyon ang tinatayang 0.4 gramo ng hinihinalang iligal na droga na may kabuuang halaga na Php2,720.00.
Ang nabanggit na personahe at nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Paracale MPS para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.



Source: CNPPO PIO