Nito lang ika-18 ng Oktubre 2023, dakong alas 7:10 ng gabi, isang babaeng suspek na tulak umano ng iligal na droga ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation kontra iligal na droga ng kapulisan ng Daet MPS, katuwang ang mga tauhan ng PDEA CNPDEU, PIU at personahe ng CN1st PMFC na may kaukulang koordinasyon sa PDEA ROV sa bahagi ng Purok 1, Barangay IV, Daet, Camarines Norte.
Ang suspek ay kinilalang si Alyas “AIAI,” 27 anyos, may kinakasama, walang trabaho at residente ng Purok 1, Barangay IV, Daet, Camarines Norte. Nakumpiska naman sa operasyon ang tinatayang 3 gramo ng hinihinalang iligal na droga na may kabuuang halaga na Php 15,000.00
Ang nasabing arestadong personahe, kabilang na ang nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Daet MPS para sa kaukulang pagsasampa ng kaso.


Source: CNPPO PIO