2 PATAY SA BANGGAAN SA BAYAN NG DAET!

2 PATAY SA BANGGAAN SA BAYAN NG DAET!

Kritikal at hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang parehong drayber ng motorsiklo sa banggaan na nangyari sa Diversion Road, Maharlika Highway, Purok 1, Brgy. Lag-on, Daet, Camarines Norte, nitong Oktubre 22, 2023 sa ganap na 8:50 ng gabi.

Sangkot sa nasabing insidente ng banggaan ay ang dalawang motorsiklo na kinabibilangan ng isang kulay pula na Honda XRM 125cc na minamaneho ni Eduviges Angelica L. Quibral, 42 taong gulang, residente ng Barangay Pinagsama, Taguig City at isang kulay itim na EURO 150cc na minamaneho ni Jamil Abcede, residente ng P-1, Brgy. San Isidro, Talisay, Camarines Norte.

Ayon sa imbestigasyon na isinagawa ng Daet PNP, habang binabaybay ng motorsiklong Honda XRM na minamaneho ni Angelica ang kalsada mula sa bayan ng Talisay, Camarines Norte patungo sa Brgy. Camambugan, Daet, Camarines Norte at ng marating ang lugar ng pinangyarihan ng aksidente ay bigla itong sinalpok ng isang kasalubong na motorsiklong EURO na minamaneho ni JAMIL na galing naman sa Brgy. Camambugan, Daet, Camarines Norte patungo sa bayan ng Talisay, Camarines Norte na sinakop ang kabilang linya ng kalsada na siyang dahilan ng pagsalpok sa kanyang kasalubong na Honda XRM. Agaran namang dinala ang mga biktima sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) ng mga rumespondeng kapulisan katuwang ang miyembro ng MDRRMO-Daet upang mabigyan ang mga ito ng pangunang lunas subalit parehong idineklarang Dead on Arrival (DOA) ang mga ito ng nakatalagang doktor.

Patuloy naman ang isinasagawang masusing imbestigasyon ng himpilan ng Daet PNP kaugnay ng nabanggit na aksidente.

Source: CNPPO PIO