Dakong alas 1:30 ng hapon, nitong Oktubre 26, 2023 nang maaresto ng kapulisan ng Mercedes MPS katuwang ang mga tauhan ng CIDG PFU, RIU5-PIT CN, 1st PMFC at 2nd PMFC ang isang lalaking Ranked 10 Regional Most Wanted Person at Ranked 2 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Mercedes sa lugar ng Purok 1-B, Brgy. 3, Mercedes, Camarines Norte.
Kinilala ang akusado na si alias “RAP”, 20 anyos, binata, at residente ng Purok 1-B, Brgy. 3, Mercedes, Camarines Norte. Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest order na inisyu ni Hon. Rene Morallo Dela Cruz, Presiding Judge, Family Court Branch 5, Daet, Camarines Norte na may petsang October 24, 2023 para sa kasong two (2) counts of STATUTORY RAPE sa ilalim ng kasong kriminal na may numerong 22822 at 22824 na walang kaakibat na pyansa.
Samantala, ang naarestong personahe ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Mercedes MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO