LALAKING SUSPEK, TIMBOG SA ISINAGAWANG BUY-BUST OPERATION KONTRA ILIGAL NA DROGA SA BAYAN NG STA. ELENA

LALAKING SUSPEK, TIMBOG SA ISINAGAWANG BUY-BUST OPERATION KONTRA ILIGAL NA DROGA SA BAYAN NG STA. ELENA

Nito lamang Oktubre 27, 2023, dakong 11:25 ng gabi nang masakote ang isang lalaking suspek na tulak umano ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation kontra iligal na droga ng kapulisan ng Sta. Elena MPS katuwang ang CNPIU at PPDEU, sa kaukulang koordinasyon sa PDEA ROV na isinagawa sa bahagi ng Purok 7, Barangay Rizal, Sta. Elena, Camarines Norte.

Ang suspek ay kinilalang sina alias “REY,” 50 taong gulang, binata at residente ng Barangay Batia, Bocaue, Bulacan. Samantala, nakumpiska naman sa nasabing operasyon ang tinatayang 2.5 gramo ng iligal na droga na may kabuuang halaga na Php17,000.00.

Ang naarestong personahe at nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Sta Elena MPS para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Source: CNPPO PIO