SEGURIDAD PARA SA ISASAGAWANG BARANGAY AT SANGGUNIANG ELECTIONS 2023, KASADO NA SA PROBINSIYA NG CAMARINES NORTE

SEGURIDAD PARA SA ISASAGAWANG BARANGAY AT SANGGUNIANG ELECTIONS 2023, KASADO NA SA PROBINSIYA NG CAMARINES NORTE

Nakahanda na ang kapulisan ng Camarines Norte Police Provincial Office sa pamumuno ni PCOL JOSELITO E VILLAROSA, JR, Provincial Director para bantayan at siguraduhing magiging mapayapa ang isasagawang BSKE 2023 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ito ay alinsunod din sa direktiba ng PNP Headquarters na pagdeklara ng Full Alert Status ng buong kapulisan simula pa kahapon ganap na alas 12:01 ng umaga, Oktubre 28, 2023 upang masigurong ligtas, tahimik at patas na pagsasagawa ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections bukas, Oktubre 30, 2023 sa buong probinsiya ng Camarines Norte.

Ngayong araw ay isasagawa ang paglalatag ng PNP personnel sa iba’t-ibang polling centers sa probinsiya katuwang ang iba’t-ibang Law Enforcement Agencies at LGUs upang bantayan ang mga election paraphernalia at masiguro na ang bawat mamamayan ay sumusunod sa mga alituntunin at patakaran na ipinapatupad ng COMELEC ngayong halalan.

Pinangunahan naman ni Rev. Fr. Mark Arturo Salgado ang pagbabasbas sa mga kapulisan na magsisilbi at magpapanatili ng seguridad ngayong darating na BSKE 2023. Nagkaroon din ng send-off ceremony kung saan ipinaabot ang mga patakaran at alitintunin na susundin ng mga madedeploy na Pulis Bantayog. Nagbigay naman ng mensahe si PCOL VILLAROSA sa lahat at pinaalalahanan na panatilihin ang “Stability under Pressure” upang maging kalmado ang lahat sa pagpapapatupad ng mga patakaran at alituntunin ngayong eleksyon.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng COMELEC Checkpoints at pagbabantay ng kapulisan sa mga matataong lugar upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa lalawigan.

“Sinisiguro ko na mahigpit na babantayan ng Pulis Bantayog, katuwang ang mga LGUs at iba pang Law Enforcement Agencies ang pagsasagawa ng BSKE 2023 upang makamit natin ang Zero Election Related Incidents sa lalawigan”-ayon kay PCOL VILLAROSA.

Source: CNPPO PIO