Sa isang Facebook post, nagbigay ng pasasalamat ang Purok 2, Calintaan, Talisay Camarines Norte sa ibinigay na tulong ni Congresswoman Rosemarie Panotes upang mabili ang lupa na gagawin nilang pathway. Lubos ang kanilang galak sapagkat ito ay malaking tulong sa kanila sa pagpasok ng mga estudyante at mga pumupunta sa kani-kanilang trabaho araw-araw, sa transportasyon ng mga produkto ng mga magsasaka at lalo na sa panahon ng emergency.
Samantala, nagbigay rin sila ng panawagan sa mga pulitikong nangako sa kanila noon pang nakaraang eleksyon na sila raw ay bibigyan ng mga materyales upang maipagpatuloy ang pagpapalawak ng nasabing pathway na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nila natatanggap.


