ISA SUGATAN SA PANANAGA SA BAYAN NG LABO, SUSPEK NASAKOTE SA IKINASANG HOT PURSUIT OPERATION

ISA SUGATAN SA PANANAGA SA BAYAN NG LABO, SUSPEK NASAKOTE SA IKINASANG HOT PURSUIT OPERATION

Bandang alas 6:00 ng gabi nitong Nobyembre 4, 2023, isang tawag sa cellphone ang natanggap ng Labo MPS mula sa isang concerned citizen tungkol sa insidente ng pananaga sa Purok 2B, Barangay Anahaw, Labo, Camarines Norte. Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Labo MPS sa naturang lugar upang beripikahin ang nabanggit na insidente.

Kinilala ang biktima na si alias ELY, 57 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Banban, Sipocot, Camarines Sur.

Ayon sa imbestigasyon, habang nag-iinuman ang suspek at biktima ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa na nauwi sa pananaga ng suspek sa biktima gamit ang isang itak na nagresulta sa pagkakatamo ng sugat sa leeg at iba’t-ibang bahagi ng katawan ng biktima. Agarang tumakas ang suspek matapos ang insidene. Dinala ang biktima ng mga rumespondeng tauhan ng MDRRMO-Labo sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) para malapatan ng lunas.

Samantala, agad namang nagsagawa at nagkasa ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng Labo MPS kasama ang saksi na si alias Ram dakong alas 6:41 ng umaga nitong Nobyembre 5, 2023 na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na si alyas “RENE” 51 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Sitio Bamban, Sipocot, Camarines Sur sa lugar ng  Purok-1,  Barangay Malasugui, Labo, Camarines Norte.

Sa kasalukuyan ay nasa kostudiya na ng Labo MPS ang naarestong personahe para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO