CONGW. NAY JOSIE TALLADO ISA SA PANGUNAHING DELEGADO SA WORLD TRAVEL MARKET SA LONDON

CONGW. NAY JOSIE TALLADO ISA SA PANGUNAHING DELEGADO SA WORLD TRAVEL MARKET SA LONDON

Malugod po tayo at isa tayo sa mga Kongresista na pinili at ipinadala ng Pilipinas para sa World Travel Market sa Excel, London kasama ang Department of Tourism at ilan pang delegadong mambabatas para maisulong pa ang turismo ng bansa.

Matatandaan po na isa ang inyong Nay Josie sa mga senior member ng House Committee on Tourism na aktibo sa pagpapasa ng mga panukalang batas para pagyamanin at mas pagibayuhin ang ating turismo na isa naman sa ating adbokasiya bilang mambabatas.

Nagpasalamat din si Sec. Christina Frasco at Amb. Teddyboy Locsin dahil pinaunlakan natin ang imbitasyon na dumalo sa nasabing pagtitipon bilang recognisyon ng ating aktibong partisipasyon sa mga usaping panturismo ng bansa.

Patuloy po natin susuportahan ang ganitong pagtitipon dahil nauunawaan natin na isa ang turismo sa makakapagbalik ng sigla at makakapagpaganda ng lokal na ekonomiya ng ating probinsya dahil napakadaming magagandang tanawin sa atin na maari nating ipagmalaki sa buong mundo.

Source: Rep. Josie Baning Tallado-Camarines Norte