Pagtutuunang pansin ngayong Nobyembre at Disyembre ng LTO CamNorte ang pagsasagawa ng outreach program sa malalayong munisipalidad partikular na ang mga nasa Unang Distrito ng lalawigan.
Ayon kay Officer-in-Charge Dina David ay dadayo ang kanilang ahensiya upang magsagawa nang libreng seminar para sa theoretical driving course kung saan kailangan lamang magbigay ang sponsor nang gawain (lokal na pamahalaan, paaralan o mga organisasyon) ng letter of request sa kanilang opisina.