Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng Educational Assistance para sa ikatlong araw, November 10, 2023 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) para sa 328 benepisyaryo mula sa bayan ng Jose Panganiban na ginanap sa Plaridel Covered Court.
Ang tagumpay na ito ay dahil sa pagsisikap ng kinatawan ng Unang Distrito ng Camarines Norte na si Congresswoman Josie Baning Tallado na nagsilbing tulay upang makapaghatid ng tulong sa mga estudyante.
Sa pamamagitan ng Educational Assistance program katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), natulungan ng #AlagangNayJosie ang mga benepisyaryo na makapagpatuloy ng kanilang pag-aaral sa kabila ng mga hamon at kahirapan.
Source: Rep. Josie Baning Tallado-Camarines Norte