3 KATAO ARESTADO, SA OPERASYONG KONTRA ILIGAL NA SUGAL SA BAYAN NG VINZONS

3 KATAO ARESTADO, SA OPERASYONG KONTRA ILIGAL NA SUGAL SA BAYAN NG VINZONS

Bunga ng mas pinaigting na operasyon kontra iligal na sugal ng pinagsamang pwersa ng kapulisan ng Vinzons MPS at CNPIU  ay ang pagkakaaresto sa tatlong suspek, dakong 6:30 ng hapon nitong Nobyembre 13, 2023 sa Purok-5, Barangay Guinacutan, Vinzons, Camarines Norte, habang naaktuhan ang mga ito sa paglalaro ng iligal na “tong-its”.

Ang mga nahuling suspek ay kinilalang sina alias INTONG, 70 taong gulang, may asawa, alias MYLENE, 47 anyos, at si alias AISA, 45 anyos, pawang mga residente ng Purok 5, Barangay Guincutan, Vinzons, Camarines Norte. Nakumpiska naman sa posesyon ng mga suspek ang isang set ng baraha, isang “tapiti” at pamustang pera na nagkakahalaga ng Php 310.00.

Kasalukuyan, ang mga naarestong personahe ay nasa kostudiya ng Vinzons MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO