MIYEMBRO NG REY GUTIERREZ GROUP, SAKOTE SA ISINAGAWANG OPERASYON KONTRA ILIGAL NA DROGA

MIYEMBRO NG REY GUTIERREZ GROUP, SAKOTE SA ISINAGAWANG OPERASYON KONTRA ILIGAL NA DROGA

Nitong Nobyembre 14, 2023 dakong alas 3:50 ng hapon, isang lalaking suspek na tulak umano ng iligal na droga at miyembro ng Rey Gutierrez Group ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation kontra iligal na droga ng kapulisan ng Paracale MPS, katuwang ang mga tauhan ng PPDEU, CNPIU na may kaukulang sa PDEA ROV na isinagawa sa Purok 5, Brgy. Tugos, Paracale, Camarines Norte.

Ang nahuling suspek ay kinilalang si Alyas “JAY,” 25 taong gulang, at residente ng kaparehong lugar ng pagkakahuli. Samantala, nakumpiska naman sa nasabing operasyon ang tinatayang 5 gramo ng hinihinalang iligal na droga na may kabuuang halaga na Php 34,000.00.

Ang naarestong personahe at nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Paracale MPS para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Source: CNPPO PIO