TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, TIKLO SA ISINAGAWANG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG DAET

TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, TIKLO SA ISINAGAWANG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG DAET

Nitong Nobyembre 15, 2023 dakong ala 1:00 ng hapon, isang suspek na tulak umano ng iligal na droga ang natiklo sa isinagawang buy-bust operation kontra iligal na droga ng kapulisan ng Daet MPS, katuwang ang PPDEU, CNPIU at CN1st PMFC na may kaukulang koordinasyon sa PDEA ROV at isinagawa sa Purok 2, Barangay Borabod, Daet, Camarines Norte.

Ang nahuling suspek ay kinilalang si Alyas “POLDING,” 52 taong gulang at residente ng Purok 6, Barangay Borabod, Daet, Camarines Norte. Samantala, nakumpiska sa nasabing operasyon ang isang gramo ng hinihinalang iligal na droga na nagkakahalaga ng Php 5,000.00.

Ang naarestong personahe at nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Daet MPS para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.