Nitong Nobyembre 17, 2023 bandang alas 5:00 ng madaling araw, dumulog ang biktima kasama ang duty BPSO ng Barangay Pamorangon sa himpilan ng Daet MPS upang ireport ang umanoy insidente ng nakawan dakong alas 2:00 ng madaling araw sa tindahan nito na matatagpuan sa Purok 3, Barangay Pamorangon, Daet, Camarines Norte at kasamang itinurn-over ang nahuling dalawang suspek sa otoridad.
Ang biktima ay kinilalang si alias LEN, 43 anyos, dalaga, isang businesswoman at residente ng nabanggit na lugar. Samantalang ang mga suspek ay kinilalang sina alias MARKO, 18 anyos, binata at residente ng Purok 3, Barangay Mocong, Basud, Camarines Norte, at isang 15 anyos na lalaki na residente naman ng Purok 6, Barangay Pantalan, Basud, Camarines Norte. Nakatakas naman ang dalawa pang lalaking kasamahan ng mga suspek, at inaalam pa ang mga pagkakakilanlan nito sa tulong ng kapulisan.
Ayon sa imbestigasyon, dakong alas 5:00 ng umaga ng masakote ang mga suspek sa agarang aksyon ng biktima at sa tulong na rin ng mga miyembro ng BPSO ng nabanggit na lugar, habang narekober naman sa mga suspek ang nakaw na gamit na isang SECOSANA sling bag na naglalaman ng mga mahahalagang kagamitan. Nakatakas naman sa nasabing insidente ang dalawa pang suspek, tangay ang iba pang mga ninakaw na personal na gamit at grocery items ng biktima na may kabuuhang halaga na Php 55,300.00.
Sa kasalukuyan ay nasa kostudiya na ng Daet MPS ang mga nasakoteng suspek para sa kaukulang disposisyon.


Source: CNPPO PIO