Dakong 6:25 ng umaga nitong Nobyembre 22, 2023 nang isagawa ang search warrant operation ng mga tauhan ng Basud MPS kasama ang CNPPDEU na may kaukulang koordinasyon sa PDEA ROV kung saan isinilbi at timbog ang suspek sa tahanan nito sa Purok-2, Brgy. Manmuntay, Basud, Camarines Norte.
Ang suspek ay kinilalang si alyas “ALLAN,” 22 anyos, may-asawa, mekaniko at residente ng nasabing lugar ng pagkakahuli. Naaresto ang suspek sa bisa ng hinaing Search Warrant na may numerong D-27-2023 na inisyu ni Hon. Judge Evan D. Dizon ng RTC Branch 40, Daet, Camarines Norte na may petsang November 16, 2023. Samantala, nakumpiska sa nasabing operasyon ang tinatayang 1.2 gramo ng hinihinalang iligal na droga na nagkakahalaga ng Php 7,200.00.
Ang naarestong personahe at nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya na Basud MPS para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kaso.
Source: CNPPO PIO