Nitong Nobyembre 22, 2023, dakong alas 11:55 ng umaga, isang tulak umano ng iligal na droga at miyembro ng Gutierrez Drug Group ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation kontra iligal na droga ng kapulisan ng Daet MPS, CNPIU, PPDEU and CN1st PMFC na may kaukulang koordinasyon sa PDEA ROV na isinagawa sa Purok-2, Barangay Pamorangon, Daet, Camarines Norte.
Ang nahuling suspek ay kinilalang si Alyas “ROY,” 40 anyos, may-asawa, drayber at residente ng Purok-4, Barangay Gahonon, Daet, Camarines Norte. Samantala, nakumpiska sa nasabing operasyon ang tinatayang dalawang gramo ng hinihinalang iligal na droga na may kabuuang halaga na Php 13,600.00.
Ang naarestong personahe at nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Daet MPS para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.
Source: CNPPO PIO