Dakong alas 3:30 ng umaga nitong Disyembre 1, 2023, ng 2 motorsiklo ang nagsalpukan sa kahabaan ng Maharlika Highway, P-1 Brgy. San Isidro, Talisay, Camarines Norte.
Ang mga sangkot sa insidente ay isang kulay itim na Suzuki motorcycle na minamaneho ni Alyssa Joy Roll Llames, 20 anyos, dalaga, estudyante, at residente ng Purok 7, Lag-on, Daet, Camarines Norte at isang Skygo, single motorcycle na minamaneho ni Jerico Valenciano Herico, 37 anyos, may asawa at residente ng Purok 4, Bagacay, Labo, Camarines Norte.
Ayon sa imbestigasyon na isinagawa ng kapulisan ng Talisay MPS, napag-alaman na habang binabagtas ng motorsiklo na minamaneho ni Alyssa ang kahabaan ng Maharlika Highway mula sa bayan ng Labo at patungo sa bayan ng Daet, at nang makarating sa lugar ng insidente, ay sinalpok ito ng kasalubong na motorsiklo na bumabaybay naman sa kabilang bahagi ng kalsada. Dahil sa naganap na salpukan, nahulog ang kapwa driver at nagtamo ng pinsala sa katawan at agaran namang nadala ang mga ito sa Camarines Norte Provincial Hospital ng mga rumespondeng tauhan ng MDRRMO-Talisay.
Idineklara namang nasawi sa nasabing insidente ng attending physician ng hospital ang drayber na si Alyssa. Nakakaharap naman sa kaukulang disposisyon ang kasalpukang driver nito, habang pansamantalang nagpapagamot ito sa hospital at nasa kostudiya ng Talisay MPS.



Source: CNPPO PIO