Dakong alas 10:15 ng umaga, nitong Disyembre 2, 2023 nang maaresto ng kapulisan ng Mercedes MPS katuwang ang CIDG CNPFU-RFU5, RIU5-PIT Camarines Norte, CN1st PMFC at 2nd PMFC ang isang lalaking akusado na Ranked 10 Regional Most Wanted at Ranked 1 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Mercedes, sa Purok 4, Barangay Manguisoc, Mercedes, Camarines Norte.
Kinilala ang akusado na si alias “RAM,” 18 anyos, binata, at residente ng lugar ng pagkakahuli. Naaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest order na inisyu ni Hon. Rene Morallo, Presiding Judge ng RTC Branch 5, Daet, Camarines Norte na may petsang Nov 30, 2023 para sa dalawang kaso ng Statutory Rape sa ilalim ng kasong kriminal na may mga numerong 22907 at 22908 na pawang walang kaakibat na pyansa.
Samantala, ang naarestong personahe ay nasa kustodiya ng Mercedes MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO