RANKED 6 MUNICIPAL MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, ARESTADO

RANKED 6 MUNICIPAL MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, ARESTADO

Dakong alas 10:40 ng umaga, nitong Disyembre 5, 2023 nang maaresto ng mga tauhan ng Jose Panganiban MPS katuwang ang Camarines Norte PIU ang isang lalaking akusado at nakatala bilang Ranked 6 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Jose Panganiban, sa Purok 5, Barangay Bagongbayan, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Kinilala ang akusado na si alias “BONG,” 71 anyos, may asawa at residente ng lugar mg pagkakahuli. Naaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest order na inisyu ni Hon. Arniel A Dating Presiding Judge ng RTC Branch 41, Daet, Camarines Norte na may petsang November 30, 2023 para sa kasong Attempted Murder sa ilalim ng kasong kriminal na may numerong 22785 at may kaakibat na pyansa na nagkakahalaga ng Php120,000.00.

Samantala, ang nasabing naarestong personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Jose Panganiban MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO