AKUSADO SA KASONG PAGPATAY, ARESTADO NG KAPULISAN

AKUSADO SA KASONG PAGPATAY, ARESTADO NG KAPULISAN

Isang lalaking akusado sa kasong pagpatay ang inaresto ng kapulisan ng Labo MPS at Amadeo MPS, Cavite PPO nitong December 5, 2023, dakong 2:30 ng hapon sa Purok 6, Barangay Dalas, Labo, Camarines Norte.

Ang naaresto ay kinilalang si alias “Roy,” 47 anyos,  at residente ng Barangay Dagatan, Amadeo, Cavite. Naaresto ang akusado sa bisa ng isinilbing warrant of arrest order na inisyu ni Hon. Jaime B Santiago, Acting Presiding Judge ng RTC Brach 18, Tagaytay City, Cavite, ng petsang November 15, 2015 para sa kasong Murder sa ilalim ng Criminal Case No. TG-12-1568 at walang kaakibat na pyansa.

Ang arestadong personahe ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO