Dakong alas 6:35 ng hapon, nitong Disyembre 7, 2023 nang maaresto ng mga tauhan ng Labo MPS ang isang lalaking akusado at nakatala bilang Ranked 7 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Labo, sa Barangay Iberica, Labo, Camarines Norte.
Kinilala ang akusado na si alias “Boy,” 18 anyos, at residente ng nabanggit na lugar ng pagkakahuli. Naaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest order na inisyu ni Hon. Cornelio M. Roll, Acting Presiding Judge ng RTC Branch 64, Labo, Camarines Norte na may petsang November 24, 2023 para sa kasong Rape sa ilalim ng kasong kriminal na may numerong 23-4646 at walang kaakibat na pyansa.
Samantala, ang naarestong personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO