PINANGUNAHAN NI  2ND DISTRICT REPRESENTATIVE ROSEMARIE CONEJOS PANOTES ANG GROUND BREAKING CEREMONY NG DALAWANG KARAGDAGANG SCHOOL BUILDING NG MERCEDES ELEMENTARY SCHOOL

PINANGUNAHAN NI  2ND DISTRICT REPRESENTATIVE ROSEMARIE CONEJOS PANOTES ANG GROUND BREAKING CEREMONY NG DALAWANG KARAGDAGANG SCHOOL BUILDING NG MERCEDES ELEMENTARY SCHOOL

Isinagawa kahapon ika-8 ng Desyembre, 2023 ang ground breaking ceremony para sa dalawang karagdagang school building ng Mercedes Elementary School.

Lubos ang pasasalamat ng mga guro at mga magulang ng magkaroon ng katuparan ang matagal na nilang kahilingan na madagdagan ang kanilang mga silid aralan. Sa pahayag ni Usec Densing sinabi nito na lubos syang nagpapasalamat kay Congresswoman Rosemarie Conejos Panotes sa palagiang nitong paglalaan ng malaking pondo para sa mga school buildings na madalas din nilang nakakasama upang kulitin si DepEd Secretary VP Sara Duterte na pondohan ang mga repair at pagsasaayos ng mga nasirang school building na lubhang kailangan ng mga mag-aaral sa lalawigan ng Camarines Norte. Sinabi pa ni Usec Densing na plano ng kanilang tanggapan na matugunan ang kakulangan sa silid aralan sa buong bansa hanggang 2025 upang lalong maging de kalidad ang edukasyon na natatanggap ng mga kabataan.

Nanawagandin sya sa mga kaguruan, sa opisyal at mga meyembro ng PTA at iba pang stakeholders na bantayan ang proyekto upang hindi makapandaya ang sino mang kontratista na makakakuha sa nasabing proyekto. Lubos naman ang pasasalamat ni G. Robert Borromeo Principal IV ng naturang paaralan sa proyektong ito na hatid ng kalihim.

Nilibot din nina USEC Densing kasama ang mga DepEd Enginners ang mga paaralan ng San Roque Integrated School kasama ang mga guro at ang punong guro nito na si Gng. Flordeliza Magana at ang Daet Elementary School kasama ang kanilang punong guro na si G. Sofio Rieza Principal IV at mga guro nito dahil may mga kahilingan din ang pamunuan ng mga naturang paaralan na maisaayos ang mga luma na at sira sirang mga school buildings sa kanilang paaralan at sinabi nito na magkatuwang sila ni Cong. Rosemarie Panotes na sosulosyunan ang problema.

Kaya naman lubos ang pasasalamat ng mga ito sa pagbisita ng kalihim at nakita ang totoong sitwasyon ng kanilang paaralan. Ikinagalak din at pinasalamatan ng Deped Camarines Norte ang mga proyektong dala ng Undersecretary sa pamamagitan sa pangunguna ni Atty. Niño Raro na kinatawan ni G. Tito Morcilla SDS ng lalawigan at Engr. Julie Pato hepe ng Engineering Department ng DepEd Cam Norte.