SUSPEK, TIMBOG SA ISINILBING SEARCH WARRANT ORDER SA BAYAN NG SAN LORENZO RUIZ

SUSPEK, TIMBOG SA ISINILBING SEARCH WARRANT ORDER SA BAYAN NG SAN LORENZO RUIZ

Dakong 4:35 ng umaga nitong December 9, 2023 nang isagawa ang search warrant operation ng mga tauhan ng San Lorenzo Ruiz MPS kasama ang  CN 1st PMFC na may kaukulang koordinasyon sa PDEA ROV at Provincial Prosecution Office kung saan isinilbi at timbog ang suspek sa tahanan nito sa Purok-5, Barangay Daculang Bolo, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “JAY,” 27 taong gulang, residente ng nasabing lugar ng pagkakahuli. Naaresto ang suspek sa bisa ng hinaing Search Warrant na may numerong D-30-2023 na inisyu ng Executive Judge, RTC Branch 40, na may petsang December 7, 2023. Samantala, nakumpiska sa nasabing operasyon ang 0.2 gramo ng hinihinalang iligal na droga na nagkakahalaga ng Php 1,500.00.

Ang naarestong personahe at nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya na San Lorenzo Ruiz MPS para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kaso.

Source: CNPPO PIO